Areas outside NCR Plus, nakakaranas ng COVID-19 surge – OCTA

Inihayag ni OCTA Research fellow Guido David na nakakaranas ngayon ang ilang lugar sa labas ng NCR Plus ng pagtaas sa mga bagong kaso ng COVID-19.

Ito ay kinabibilangan ng ilang bahagi sa Batangas, Pampanga, at sa Region 2, at ilang lugar sa Cordillera Administrative Region.

Ayon kay David, kailangang matugunan ang mga areas of concern sa labas ng NCR bubble, para tuluyang mapababa ang national numbers.

Dagdag ng OCTA fellow, kasalukuyang nakakapagtala ang bansa ng mahigit 8,000 cases per day. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *