Archdiocese of Caceres naghahanda na para sa Peñafrancia Fiesta

NAGA CITY- Naghahanda na ang Archdiocese ng Caceres sa pagdiriwang ng taunang Peñafrancia Fiesta.

Kanselado man ang mga malalaking religious events at iba pang aktibidad na nagpapadagdag ng kulay at saya sa largest annual Marian pilgrimage sa Asya dahil sa pandemya , marami parin ang paraan upang ipagdiwang ito pati na rin ang fiesta ng Divino Rostro (Holy Face of Jesus).

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang mga simbahan sa Caceres o sa Naga at Camarines Sur ay tumatanggap na ng pa misa.

Isinapubliko na rin ang opisyal na logo para sa taong ito. Kung saan makikita ang imahe ng isang pamilyang deboto kasama ang voyador at si “Ina” o Nuestra Señora de Peñafrancia.

Inihayag sa Brigada News FM Naga kay Fr. Pablo Carpio, Vice rector ng Basilica Minore, hindi naman hadlang ang pademya para sa mga mananampalataya, subalit kailangan lamang sundin ang health protocols laban sa COVID-19.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Tema ng taong ito ay “Sharing the Gift of Faith in the Spirit of the Faithful Obedience of Mary and Joseph” (An Paghiras kan Balaog nin Pagtubod sa Espiritu nin Maimbod na Pagkuyog ni Maria asin Jose).