Archdiocese of Caceres magpapadala ng tulong sa North Luzon earthquake victims

NAGA CITY- Inilaan ng Archdiocese ng Caceres sa Camarines Sur ang 2nd collection noong nagdaang linggo para sa mga pamilyang biktima ng magnitude 7 na lindol na yumaig sa Abra at mga karatig probinsya sa Northern Luzon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa Naga Cathedral, inanunso na umabot sa P27,000.00 ang naipong donasyon.

Sa Peñafrancia Shrine umabot naman sa mahigit P12,000.00 ang nakolekta. Dalawang malaking simbahan pa lamang ito sa Naga City.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Hulyo 27 nang tumama ang lindol, na nagpabagsak sa mga bahay , mga makasaysayang mga gusali, paaralan, at nag-iwan ng hindi bababa sa lima ang binawian ng buhay.