APSEMO, pinabulaanan ang usaping maaari nang lumikas ang mga residenteng nakatira malapit sa 6-km danger zone ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Pinabulaanan ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang usapin at haka-hakang maaari nang lumikas sa mga evacuation centers ang ilang residente dahil umano sa pagtaas ng alert level status ng bulkang Mayon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay APSEMO head Dr. Cedric daep, sinabi niyang mula nang itaas sa alert level 2 ang bulkan ay marami nang mga kwento at impormasyon ang nagsilabasan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Aniya, patungkol sa evacuation ay wala pa namang ibinababang order mula sa provincial government ng lalawigan na maaari nang magsilikas ang mga residenteng nakatira malapit sa 6-km danger zone.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sinabi ng opisyal na sa oras na ipag-utos ng probinsyal ang paglilikas, ay dito na kinakailangang sumunod ng lahat.

Samantala, ginagawa nang APSEMO ang ilang mga hakbang sa paghahanda sa posibleng pagtaas pa ng alert level status ng bulkan.