APSEMO, nasa preparedness status na oras na itaas sa alert level 2 o 3 ang Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na nasa prepared status na ang kanilang opisina sakaling itaas man sa alert 2 o 3 mula sa alert level 1 ang Bulkang Mayon.

Sa pahayag ni Dr. Cedric Daep, head ng APSEMO, sa Brigada News FM, may mga plano nang nakalatag ang kanilang opisina sa oras na nag mga sitwasyong mangyari katulad na lamang ng pagtaas ng alert status ng bulkan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kabilang umano sa kanilang inilatag na plano ay ang pagbibigay babala o warning sa mga residente, pakikipagkomunikasyon, evacuation, seguridad at maging ang plano para sa kalusugan ng mga residente.

Dagdag pa nito, kukunin din nila ang population to evacuate.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sinabi ng opisyal na kabilang pa sa kanilang plano na dapat computed din maging ang kanilang preparation for relief.

Ginagawa naman ng APSEMO ang lahat upang paaalalahanang lumikas na habang maaga pa ang mga residenteng nakatira o bumabalik pa sa 6km permanent danger zone ng bulkan.