APSEMO, nagsisimula na sa pagbuo ng recovery cluster sakali mang bumuti nang muli ang lagay ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na sinisimulan na nila ang pagbuo ng recovery clusters kung sakali mang bumuti na ang lagay ng Bulkang Mayon.

Sa isinagawang press briefing kahapon sa Provincial Capitol, sinabi ni APSEMO Chief Dr. Cedric Daep na hindi maaaring naka-focus lamang lagi sa procedure ng disaster risk reduction and management.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Tulad lamang umano ito ng DRR application sa gobyerno kung saan habang nasa peak ng disaster preparedness, kasama na ring inihahanda ang recovery plans pagkatapos nito para may overlapping activities na hindi magreresulta sa anumang delays.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay Daep, ito ang isinasagawa ngayon sa lalawigan upang maging coordinated na nang maaga ang mga suportang ibibigay para sa lalawigan.

Samantala, ang kanila umanong cluster approach kaugnay nito ay kombinasyon na ng iba’t ibang mga cluster upang magkaroon ng koordinasyon dahil mayroon na silang sari-sariling functions na nakatoka.