51 anyos na lalaki sa bayan ng Jose Panganiban Camarines Norte timbog sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan

CAMARINES NORTE – Nasakote sa isinagawang buy-bust operation ang isang lalaking kabilang sa Regional Recalibrated Database sa Purok 1, Brgy. Luklukan Sur sa Bayan ng Jose Panganiban sa probinsya ng Camarines Norte.

Kinilala ang suspek sa alyas “Manong” 51 anyos, may asawa, at residente ng naturang barangay.

Ayon sa ulat, nagpanggap umano ang pulis bilang buyer at bumili ito sa suspek ng isang pirasong selyadong plastik na pakete na ang nilalaman ay hinihinalang “shabu” kapalit ng nagkakahalagang isang pirasong P1,000.00(real money) at P2,000.00 (Boodle Money) (buy-bust money).

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Narekober rin sa suspek ang isang pitaka na kulay itim na ang nilalaman ay tatlong pirasong malalaking plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” at anim na pirasong katamtamang laki ng selyadong plastik na naglalaman ng mga hinihinalang “shabu”.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang mga nakumpiskang droga ay nagkakahalagang P21,080.00 at may bigat na 3.1 na gramo.

Ang nahuling suspek ay nasa kostudiya ng Jose Panganiban MPS at inihahanda na ang kasong maaaring isampa sa suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.