Appointment setting sa online registration para sa National ID, hindi pa available sa Camarines Norte

Nilinaw ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi pa available sa ngayon ang appointment setting sa online registration ng Philippine Identification System o PhilSys sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon sa PSA ongoing pa kasi ang pag register sa mga priority barangays.

Tumatanggap na rin umano ngayon ng walk- in applicant sa mga registration centers mula sa mga aplikante sa priority barangay na hindi na- interview noong step 1 registration at maging ang mga aplikante mula sa non- priority barangay.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Pero nilinaw ng PSA na depende ito sa available slots tulad halimbawa kung mayroong hindi pumunta sa naka- schedule mula sa priority barangay.

Ang mga Lokal na Pamahalaan din umano ang nagmungkahi na kada barangay na lang ang pag schedule lalu’t karamihan sa priority ay ang mga nasa malalayo, coastal areas o sa mga lugar na walang signal ng komunikasyon.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Mangyari lamang umanong makipag ugnayan sa mga opisyal ng barangay para sa schedule ng mga nakapag step 1 registration dahil ang mga ito ang katuwang ng PSA sa pagbibigay ng schedule sa mga aplikante.