APEC nasasaktan na sa mga nababasang reklamo at pagmumura sa Social Media ng mga consumers

LEGAZPI CITY – “Kami ay nasasaktan at minumura pa sa social media ng mga ilang Albayano”, ito ang naging pahayag kahapon sa Barangay Alobo bayan ng Daraga Albay ni Apolinario Alvarez ang Chief Operation Officer (COO) ng APEC.

Ayon kay Alvarez, masasakit na salita ang kanilang naririnig sa publiko at nababasa sa social media dahil lamang sa pagtaas ng bill ng kuryente.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aniya, kung sinu pa ang hindi marunong magbayad at nagnanakaw ng kuryente ay magaling magmura sa mga empleyado sa pamamagitan ng social media.

Hindi nauunawaan ng ilang consumers ang kalagayan ng korporasyon kung saan nagbabayad o inaabunuhan na ang utang na P100M hanggang P200M buwan buwan upang hindi lang maputulan ng kuryente ang buong lalawigan ng Albay.

Sinabi ng opisyal, nanghihinayang din ang mga ito sa ibinabayad na utang ay dapat sana ay napupunta ito sa pagbili ng materyales tulad ng kable, transformer, metro at iba pa na pangangailangan upang hindi na makaranas pa ng palagiang brown out ang lalawigan.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dagdag pa nito, nananatili pa rin ang kompanya na tulungan ang mga Albayano kahit na minumura na at nasasaktan sa nababasa sa social media at may mga petisyon na rin na ginagawa sa ilang barangay na palayasin ang APEC.