APEC naghahanda na para sa nalalapit na local and national election 2022

LEGAZPI CITY – Tuwing sasapit ang Election sa bansa ay laging pinag-uusapan nito kung gaano kahanda ang mga sa pagbbigay ng supply kuryente upang hindi magkakaroon ng Power Interruption sa araw mismo ng botohan.

Ayon kay Apolinario Alvarez, Chief Operating Officer ng Albay Power and Energy Corporartion (APEC), naghahanda na rin ang nasabing korporasyon para sa Local and National Election ngayon 2022.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nakipagpulong ang korporasyon sa Commission on Election (Comelec) Albay nitong nakaraang buwan para hingiin ang listahan ng mga voting centers sa lalawigan para i-determina kung nasaan nakakabit ang feeder sa voting center.

Maliban pa rito nakapagsagawa rin ng inspection sa voting center upang masiguro ang supply ng kuryente at maiwasan ang anumang power interruption sa araw mismo ng election.

Dagdag pa nito nakapagsagawa na rin ang mga ito sa mga voting center tulad ng substation assestment, voltage checking, low balancing, hot spot area, line clearing, at standardization ng transformer.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aminado ang apec, anim mula sa 591 na barangay sa Albay ang hindi pa energized o hindi pa connected sa voting centers ng APEC.

Kabilang rito ay apat mula sa Batan Island ng Rapu Rapu at dalawa sa bayan ng Oas Albay.