Apat, timbog sa tangkang pag-kidnap sa isang Chinese businesswoman

Naaktuhan ng Pasay City Police Substation 1 habang nagpapatrolya ang tangkang pagkidnap sa Chinese businesswoman ng apat na lalaki sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City ngayon araw, pasado alas siyete kaninang umaga.

Ayon sa report, nagsasagawa ng patrolya ang kapulisan ng maaktuhan nilang may nagaganap na komosyon habang pilit na isinasakay sa sasakyan ng apat na suspect ang biktimang Chinese business woman na si alyas Dana habang lulan ng kanyang sasakyan.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Dito na agad umaksyon ang mga pulis, dahilan upang maaresto ang apat na suspect na kinilalang sina alias Joe, 43 anyos, alias Jhing, 27 anyos, alias John, 25 anyos at alias Arn-arn, 47 anyos.

Narekober naman sa mga suspek ang sasakyang ginamit sa krimen, isang revolver paltik, limang live ammunition ng cal. 38, tatlong sachet ng hinihinalang shabu, isang foil, dalawang kutsilyo, tatlong handheld radio, duck tape , at martilyo.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Nahaharap naman ang mga suspects sa kasong attempted kidnapping, violation of RA 10591 (Illegal Possession of Firearms), RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), at BP 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapon).

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng follow up operation ang mga otoridad para sa pagkakaaresto ng iba pang mga suspek.