Apat na drug suspect sa San Marcelino, arestado ng mga otoridad

Arestado ng Provincial Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLt. Niňo Ryan Opinga at ng San Marcelino Municipal Police Station sa pangunguna nu PLt. Felix Laron ang apat na drug suspect sa Purok-4, Barangay Rabanes, San Marcelino, Zambales

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ito ay matapos ang buy bust operation na isinagawa ng mga otoridad laban sa mga suspek na kinabibilangan ng dalawang babae at dalawang lalaki.

Nakuha sa mga suspek ang mahigit 20 gramo ng pinaghihinalaang shabu mula sa 29 na sachet sa kabuuan, buy bust money at mga drug paraphernalia.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.//Jeff Valdez-BNFM Olongapo

May be an image of 1 person and text