Anti-trespassing policy ng China – ‘di nakaapekto sa huli ng isda ng mga Pilipino

Hindi umano mababawasan ang bilang ng mga nahuhuling isda ng mga Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).

Sa gitna nga ‘yan ng panghuhuli ng China Coast Guard (CCG) sa mga non-Chinese fishermen sa loob pa mismo ng ating teritoryo.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Sabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) spokesperson Nazario Briguera, patuloy nilang hindi kikilalanin ang unilateral declaration ng China.

Dahil dito, tuoy pa rin umano ang hanap-buhay ng mga Pilipninong mangingisda.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang pagpapatrolya ang Philippine Coast Guard (PCG) at page-escort sa ilang mga mangingisda.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Una nang na-deploy ang BRP Malapascua, BRP Sindangan, at BRP Teresa Magbanua para rito.

Sa latest nilang report – naka-monitor sila ng tatlong mga CCG vessels at isang Chinese Navy sa may bahagi ng Bajo de Masinloc.