CAMARINES NORTE – Binisita ng Social Security System ang anim na non- compliant business establishment sa lalawigan ng Camarines Norte para sa ikalawang regular Relief Afforded to Challenged Employers (RACE) campaign upang paalalahanan ang mga itong i- comply ang kanilang obligasyon.
Apat na business establishment ang binisita dito sa bayan ng Daet, isa sa Basud at isa rin sa Vinzons.
Sa isinagawang Press Conference nitong Huwebes August 17, ipinaliwanag ni SSS Vice President for Luzon Bicol Division Elenita Samblero na kung mayroong tinatawag na “police visibility” ito naman daw ang “SSS visibility” na naglalayong paalalahanan at tulungan ang mga employer na i- comply ang kanilang deficiency.
Layon din umano nito na paigtingin ang koleksyon ng ahensiya kaya mayroong RACE campaign.
Ginagawa umano ito ng SSS hindi lang para mag- comply ang mga delinquent employers kundi higit sa lahat ay tulungan ang mga apektadong empleado.
Sa datos ng ahensiya 12 employer na sa Camarines Norte ang nabisita sa unang dalawang RACE na ginawa ngayong taon at nasa 80 empleado ang natulungan.
Sa bilang na ito, lima ang nakapag full payment na, apat ang nag- avail ng installment at dalawa naman ang naiakyat sa Prosecutor’s Office.
Mayroon namang isang employer na subject na sa Warrants of Distraint, Levy and Garnishment (WDLG).
Nakakolekta ang SSS sa dalawang naunang RACE ng kabuuang halaga na mahigit 376, 000.
Sa kabuuan, 149 employers naman sa buong Bicol region ang na subject sa RACE mula 2022 hanggang July 2023 kung saan nasa 1, 728 naman ang natulungang empleado.
Nakakolekta ng kabuuang halaga na P8.8 milyon ang SSS sa naturang RACE operations.
Kaugnay nito ay hinimok ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo ang mga employer na na- subject sa RACE na makipagtulungan sa kanila para na rin sa kapakanan ng kanilang mga empleyado.
