Idenetalye ni Angelina Jolie ang inilarawan nitong abusive behavior ng dating asawa na si Brad Pitt sa kanyang paghahain ng kaso sa korte.
Ito’y matapos na lumala pa ang legal battle kaugnay sa French winery ng dating mag-asawa, nang maibahagi at mabunyag ang mga bagong detalye kaugnay sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal.
Sa paghahain sa Los Angeles, sinasabing humiling si Pitt ng kondisyon kaugnay sa pagbebenta ni Jolie ng kanyang bahagi sa winery sa isang nondisclosure agreement, na magbabawal sa aktres na talakayin sa publiko ang umano’y physical at emotional abuse ng aktor sa kanya at sa kanilang mga anak.
Ibinunyag ni Jollie ang isang pangyayari noong September 2016 kaunay sa kanilang private plane flight, kung saan hinila ni Pitt si Jollie sa kanyang ulo, bago itula sa bathroom wall.
Maliban dito, sinakal din umano ni Pitt ang isa nilang anak, habang nasampal ang isa pa, habang sinubukan ng mga ito na pigilan ang pag-aaway ng kanilang mga magulang.
