Angat Hydropowerplant, pansamantalang isasara para sa rehabilitasyon

Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na masusuplyan pa rin lahat ng kanilang consumer sa gitna dalawang buwan na pagsasara ng Angat Hydro-Electric Powerplant (AHEPP).

Ayon sa MWSS, hindi kailangan mangamba ng kanilang mga sinusuplayan ng tubig dahil gumawa na sila ng mga hakbang para matiyak ang tuluy-tuloy pa rin na suplay ng tubig para sa domestic at mga irigasyon sa panahon ng pagsasaran ng nasabing planta.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Nabatid na ang pagsasara ng AHEPP ay para sa pagkumpuni at rehabilitasyon na magsisimula sa November 6, 2023 hanggang sa January 6, 2024 kung saan mayroon itong kapasidad na 218 megawatts at binubuo ng apat na main units at 3 auxiliary units.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Layunin ng naturang gawain na mapahaba pa ang lifespan ng powerplant at matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng tubig para sa mga nakikinabang ng supply nito sa Metro Manila.