Ampatuan, hinatulan ng 210 taon na pagkakakulong

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 6th division si Datu Andal ‘Unsay’ Ampatuan Jr. sa 21 count ng graft.

Binaba ng korte ang hatol kasabay ng paggunita sa ika-14 na taon ng Maguindanao massacre.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Kaugnay sa mga kasong isinampa kay Ampatuan ang pagsupply niya ng langis sa Maguindanao provincial government mula sa gasolinahan na kanyang pag-aari.

Pinatawan siya ng parusang 6 hanggang 10 taong pagkakakulong para sa bawat isang count ng mga kaso o katumabas ng 210 pagkakakulong.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Pinagbabayad din si Ampatuan ng mahigit 44 milyon pesos at hindi na rin siya maaaring humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan habang buhay.