PHIVOLCS, pinag-iingat ang mga residenteng malapit sa Bulkang Taal.

Patuloy na pinag-iingat ng PHIVOLCS ang mga residente malapit sa Bulkang Taal matapos ang namataang makapala na usok mula sa bunganga nito noong nakaraang Sabado.

Batay sa inilabas na datos ng PHIVOLCS, nakapagtala ng dalawang mahihinang phreatic eruption ang Bulkang Taal na naganap noong Sabado bandang 2:31 PM at 2:39 PM at nagbuga ito ng nasa 6,571 tonelada ng sulfur dioxide.

Ayon sa DOST-PHIVOLCS, mahigipit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, Taal Permanent Danger Zone, lalo na sa bisinidad ng bunganga ng Bulakang Taal at sa Daang Kastilla Fissure.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residenteng malapit sa bulkan na maging alerto sa epekto ng inilalabas na sulfur dioxide pagdating sa kalusugan.

Sa ngayon nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.