Amanpulo victory party, itinanggi ng BBM camp

Itinanggi ng kampo ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr. na nagkaroon ito ng victory party sa exclusive Amanpulo sa Palawan.

Ito ay sa gitna ng mga kumakalat na posts sa social media noong weekend, hinggil sa umano’y victory party para kay Marcos sa luxury resort sa Pamalican island.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ayon kay Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, malayo itong mangyari, at ang naturang isyu ay gawa-gawa lang umano ng mga iresponsableng nagpo-post sa kanilang social media.

Dahil dito, hinimok ni Rodriguez ang publiko na maging responsable sa pagpopost ng kahit na anusa social media.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Sa gitna nito, hinamon niya ang mga gumagawa ng claim na magpakita ng mga ebidensya, gaya ng proof of payment sa Amanpulo o bookings na ginawa ng kampo ni Marcos.