Alyansa sa pagitan ng PFP at Nacionalista Party, pormal nang nalagdaan

Sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos ang allianfe signing sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas at Nationalista Party ngayong umaga.

Sa kanyang talumpati, aminado ang Pangulo na ang pakikipag alyansa nila sa ibang national political party ay bilang paghahanda sa 2025 national election.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Kaugnay nito hinimok ng Pangulo ang kanyang mga kaalyado na tulungan nila na mailuklok sa pwesto ang mga kapartido nila na hindi iniisip ang pulitika, partido at sarili kundi ang para sa ikabubuti ng mamamayan at ng bansa.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Ipinunto ng Pangulo na ang pakikipag alyansa sa ibang partido ay isang paraan upang magkasundo para sa layunin na iwang maganda ang Pilipinas kapag tapos na ang kanilang termino.