Alternate source kakailanganin sakaling patuloy na bumaba ang lebel ng tubig sa mga spring sources

CAMARINES NORTE- Nakahanda umano ang Primewater Infrastructure Corporation sakaling umabot sa critical level ang tubig sa mga spring sources dahil sa patuloy na nararanasang mainit na panahon.

Ayon kay Primewater Branch Manager Mark Anthony Muroda hindi pa naman umaabot sa critical level ang tatlong spring sources pero bumababa umano ang water level nito.

Sa pinakahuling update na ibinahagi sa Brigada News FM Daet hanggang nitong Martes, June 15, 2021 mataas pa sa critical level ang tatlong spring sources.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang Boroboro ay nasa 40 cm pa ang actual level na mataas pa sa critical level na 32 cm.

Ang Banban ay nasa 44. 5 cm ang actual level na malayo pa sa 12 cm critical level habang ang Alinao naman ay nasa 62 cm ang actual level at malayo- layo pa rin sa 50 cm na critical level.

Kung bumaba pa ang level ng tubig sa mga nabanggit na spring sources, ay pagaganahin umano ang alternate source tulad ng Lugui well fields at ang malapit nang buksan na Alalwihao source.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Matatandaan na noong 2019 ay nakaranas ng matinding problema sa suplay ng tubig ang lalawigan ng Camarines Norte matapos na halos matuyo ang mga spring sources dahil sa El Niño.