ALS Graduates 2022, binigyang-komendasyon ni Gov. Rosal

LEGAZPI CITY – Binigyang-komendasyon ni Albay Provincial Gov. Noel Rosal ang mga nagtapos sa Alternative Learning System o ALS nitong Biyernes.

Isa ang gobernador at ang asawa nitong si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal sa mga inimbitang panauhin sa nasabing seremonya na ginanap sa Albay Astrodome sa nabanggit na lunsod.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Humigit-kumulang 600 mga estudywnte ng ALS ang nagsipagtapos, kasama ng 495 highschool completer, 29 mga nagtapos sa elementarya, kabilang ang NCII passers.

Nag-abot naman si Rosal ng pagbati at mensahe sa mga nagtapos, kung saan sinabi niyang hasa na ang mga ito ng modernong teknolohiya at may sapat nang kaalaman na bahagi ng mga magagaling na tagapagturo na naging dahilan upang malinang ang mga ito na maging globally competitive.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Nagpahayag naman ng suporta ang gobernador sa programang ALS at nga pasilidad sa lalawigan kung saan naniniwala siyang mahalaga ito upang makaakit ng posibleng mga investor at locators.