Alkalde ng Naga, may mensahe sa mga trolls kontra sa kanya

NAGA CITY – Naglitawan ngayon ang mga trolls kontra kay Mayor Son Legacion, kaugnay sa ilang isyu na pinapakalat laban sa kanya.

Matapos na madiskubre, hindi nagdalawang isip hamunin na kung sino man ang nagpapakalat, magpakilala at kanya niya pang bibigyan ng P20,000.00 na wala namang sumulpot.

Binigyan diin niya na hindi maaapektuhan ang pagsilbe sa publiko, patuloy ang paglilingkod ng Team Naga sa kabila ng pagliwatan ng mga fake accounts.

Sinabi ito ng Alkalde, nang humarap siya sa mga miyembro ng media matapos ang regular flag raising ceremony noong Lunes, Abril 15, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *