CAMARINES NORTE- Nakipagpulong noong Lunes si Mercedes, Camarines Norte Mayor Alexander Pajarillo sa mga opisyal ng Department of Health Central Office para sa isang proyekto sa naturang bayan.
Sa official facebook page ng Akalde, inihayag nito na nakipagpulong siya sa mga opisyal ng DOH – Health Facilities Enhancement Program sa pamumuno ni Director IV Leonita Gorgolon.
Humiling umano ng pondo ang Alkalde para sa completion ng nasimulang proyekto na Rural Health Center na matatagpuan sa Sitio Puti, Barangay Gaboc.
Mahalaga umano na maitayo ang naturang health center upang matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga Mercedeño sa river block at island barangays.
Maliban sa Gaboc, maseserbisyuhan din nito ang mga kalapit na Barangay tulad ng Cayucyucan, Mambungalon at Manguisoc na hindi na kailangang tumawid ng dagat patungo sa pinaka Health Center.
Maging ang mga island barangay tulad ng Apuao, Caringo at Quinapagian ay maaari nitong maserbisyuhan.
Kumpiyansa ang Alkalde na mabibigyan ng kaukulang pondo ang proyekto na kanyang idinulog sa ilalim ng programa ng DOH- Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na Super Health Center.
Photo: Municipality of Mercedes- Public Information Office
