Alkalde ng Bato, Camarines Sur binabaan ng preventive suspension; opisyal nakapagsumite kaagad ng notice of appeal

CAMARINES SUR- Binabaan ng 60-days na preventive suspension order mula sa opisina ni Governor Luigi Villafuerte si Bato Mayor Junjun Zorilla  Jr., base sa rekomendasyon ng Sangunuiang Panlalawigan o ang Administrative Case No. 005-2023 nitong Mayo 8, 2023.

Paliwanag ni Zorilla, nag-ugat ito sa pagpaparenta niya sa 2nd floor ng Market Building sa isang kilalang department store na wala umanong lease contract. Ayon sa Alkalde, hindi niya mabatid kung papano nasabi ng anim na miyembro ng Sanguniang Bayan na wala.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Kaagad namang nakapagsumite ng apela ang kampo ng alkalde sa Office of The President at natanggap ito kahapon Mayo 9. Sa Section 1 ng Administrative Order No. 22 s. 2011, binigyan ng 15-araw si Zorilla Jr upang mag sumite ng notice of appeal kaya ayon sa opisyal, namamatili siya sa puwesto.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case