Alkalde nang Botolan, naturukan na ng pangalawang dose ng anti-covid19 vaccine

BOTOLAN-Nabakunahan na ng pangalawang dose ng anti-covid19 vaccine ang alkalde ng Botolan, Zambales.

Ito ay matapos ang apat na linggong pagitan sa unang dose na bakuna na itinurok noong nakalipas na unang linggo ng April.

Ayon kay Mayor Bing Maniquiz, wala naman itong naramdamang masamang reaksyon sa katawan sa una at pangalawang turok maliban sa konting pagtaas ng presyon ng dugo na unti-unti din namang bumalik sa normal.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala hinikayat din nito ang iba pa na katrabaho at kababayan na suportahan ang resbakuna program ng DOH upang maibalik na sa normalang dating pamumuhay at kalakaran sa komunidad.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Matatandaan na si Maniquiz ang unang local chief executive sa Zambales na tinurukan ng bakuna laban sa covid-19.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: OneBotolan Magkamiha

May be an image of 1 person, child and text that says 'Power Cells Masarap SOYAFEE Araw-arawin! Dear God, please keep my family safe and healthy.'