ALECO, nilinaw na hindi kabilang sa kanilang clearing operation ang paghuhuli sa mga member-consumers na mayroong iligal na koneksyon

Nilinaw ni Albay Electric Cooperative (ALECO) Acting General Manager Wilfredo Bucsit na hindi kabilang sa kanilang clearing operation ang paghuhuli sa mga member-consumers na mayroong illegal connections.

Aniya, mayroon itinalagang grupo na siyang tututok sa ganitong mga hakbang.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Maliban pa rito, nagpapatuloy sila sa regular disconnection para sa mga hindi pa nakakapagbayad ng kanilang bill sa kuryente nitong nakalipas na buwan ng Disyembre.

Paliwanag ni Bucsit, hindi pa mahahabol ng ALECO ang malalaking kompanya na may malaking pagkakautang dahil posibleng nagmula pa sa APEC ang kanilang resibong natanggap at hindi mula sa kanilang kooperatiba.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon sa opisyal, kung pagbabasehan ang mga reklamong kanilang natatanggap, ang lunsod ng Tabaco sa unang distrito ng Albay ay may pinakamaraming naitalang illegal connection.