LEGAZPI CITY – Nakiisa ang Albay Provincial Social Welfare and Development Office sa Benchmarking Activity para sa Pag Asa Youth Association of the Philippines Officers and Local Social Welfare and Development Officers. Ito ay limang araw na aktibidad kung saan binisita ng mga kalahok ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas tulad ng Batangas, Quezon City, Bulacan, at Baguio City.
Unang binisita ang Bahay Pag-Asa in Batangan, Batangas City kung saan malugod ang mga itong pinaunlakan ng Lokal na Pamahalaan ng Batangas. Bumisita rin sa Convention Center ng San Jose Del Monte City, Bulacan, kung saan nagbigay rito ng oryentasyon tungkol sakanilang PYAP best practices. Isa pa sa mga binisita ng mga kalahok ang CSWDO, at SIGLAT – Baguio Youth Innovation Hub kung saan pinakita rito ang pagkamalikhain at potensyal na kakayahan ng mga kabataan sa kanilang komunidad.
Nagpasalamat naman ang Albay PSWDO sa Quezon City Government at sa mga tauhan ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC), partikular na sa SDEC Milagrosa at sa Molave Youth Home – Bahay Pag-Asa sa pagbibigay kaalaman sa mga youth participants at LWCDOs.