Albay PPO nagsagawa ng tree planting activity, kasabay sa pagdiriwang ng women’s month

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng tree planting activity ang Albay Police Provincial Office ng Tree Planting Activity kasabay sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong taon.

Ginanap sa Doña Pepita Golf Course, Brgy. Padang, Legazpi City ang programang may temang tanim ng kababaihan para sa inang kalikasan.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Dinaluhan ng kababaihan mula sa hanay ng kapulisan at ibat-ibang Law Enforcement Agency sa Rehiyon ang nasabing programa.

Kabilang sa mga ito ang Cagsawa Lady Eagles Club, KALIGKASAN, ROTC Studensts, Rotary Club of Legazpi,Brgy. Padang Officials, Legazpi City, KKDAT, at Lingkod Bayan Advocacy Group.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang programa ay alinsunod din sa PNP core value na “Makakalikasan” at sa 2022 National Women’s Month celebration na may temang ngayong taon na “Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran”.