Albay PHO, patuloy na maghahatid ng serbisyong medikal sa mga Albayano

BNFM BICOL—Inihayag ng pamunuan ng Albay Provincial Health Office na patuloy silang maghahatid ng serbisyo medikal sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Estela Zenit – na umabot na sa mahigit 50,000 na mga Albayano ang kanilang nabigyan ng medical services mula sa iba’t-ibang mga barangay sa lalawigan, sakabila ito ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Batay aniya sakanilang datus, pinakamarami ang nabenipisyuhan ng kanilang libreng medical consultation na umabot sa 26,318; nasa 10,539 naman ang nabigyan ng optical assistance ; 9,618 sa dental services; 4,275 ang nabenipisyuhan ng libreng tuli habang nasa 1,699 naman ang nakapag avail ng libreng laboratory exams.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Pagbibigay diin ng opisyal, patuloy na magsusumikap ang PHO upang maihatid sa publiko ang kanilang serbisyo higit na sa mga nangangailangan.###