Albay PHO, nilinaw na hindi naman nakamamatay ang hand, foot and mouth disease (HFMD)

LEGAZPI CITY – Binigyang-linaw ng Albay Provincial Health Office (PHO) na hindi naman nakamamatay ang pagkakaroon ng hand, foot and mouth disease lalung-lalo na sa mga bata.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Nathaniel Rempillo, provincial health officer, sinabi niyang ang nasabing sakit ay hindi naman maituturing na seryoso at hindi naman mauuwi sa mga komplikadong sakit.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Aniya, ang nagiging komplikasyon lamang kadalasan ay ang pagkakaroon ng bacterial infection lalo na kung ang mga sugat o rashes na natatamo ay hindi nalilinisang mabuti, ngunit hindi naman ito umano nakakaalarma sapagkat anyti-bacterial o anti-biotic lamang ang solusyon dito.

Makakaranas lamang umano ng lagnat kung mayroong HFMD dahil dulot ito ng virus, ngunit magagamot naman ito ng mga gamot katulad ng paracetamol.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Matatandaang inanunsyo ng Albay PHO na umabot sa 541 ang mga kaso ng HFMD sa buong lalawigan, at pinakamataas ay mula sa Oas.

Dahil dito, paalala ni Rempillo sa mga magulang na kung ang kanilang anak ay nakikitaan ng mga sintomas ay hindi na dapat ito papasaukin sa paaralan at garang bigyan ng atensyon.