Albay, nasa ikatlong pwesto pagdating sa inflation rate – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Statistic Authority (PSA) nasa ikatlo pwesto lamang ang lalawigan ng Albay at kapareho nito ang lalawigan ng Camarines Norte pagdating sa inflation rate.

Ayon kay Coney Baleda, Statistical Specialist II ng nasabing tanggapan, parehong nasa 6.0% ang kanilang inflation rate sa na lalawigan kung saan mas mababa pa ito sa regional na may 6.6%.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nangunguna pa rin ang Camarines Sur na nasa 7.4%, Masbate na nasa 7.2%, Sorsogon nasa 5.8%, Catanduanes na nasa 5.5%.

Kung mapapansin, sa anim na lalawigan sa Bicol Region, tanging ang Camarines Sur at Masbate ang halos lagpas na sa porsyento ng inflation rate ng regional.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Pinakamabilis sa Albay pagdating sa commodities group ay ang food and non-alcoholic beverages nasa 6.1%, transportation na nasa 10.8% at education services na nasa 6.1%