Akusado sa kasong pang-aabuso ng menor de edad sa Guinobatan, arestado

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki sa Purok 1, Brgy. Poblacion, Guinobatan, Albay dahil sa kasong pang-aabuso ng menor de edad.

Kinilala itong si alyas “Jeff” na residente ng nabanggit na barangay.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa report, inaresto ito ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ruben Carretas, Presiding Judge ng Branch 9, 5th Judicial Region, Legazpi City noong Hulyo 7, 2009 para sa nabanggit na kaso.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Aabot sa PHP80,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Agad itong dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.