Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines sur pumalo sa 132 nitong linggo; lalawigan nanatili sa Alert Level 2

NAGA CITY-  Umabot sa 132 ang aktibong kasong COVID-19 sa Camarines Sur nitong weekend; 25  ang naitalang bakong kaso habang 16 ang gumaling.

Mula 2020 ang Camarines Sur ay mayroon nang 17, 255 na kaso;  16, 492 rito ang gumaling habang 631 ang binawian ng buhay.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Ngayong may tinatamaan parin ng virus, ang pagsunod sa health protocols ang panawagan ng Department of Health at pagpapabakuna.

Sa record ng DOH-Bicol umabot na sa 1, 324, 589 sa target na mahigit 1.4 milyon ang nabakunahan sa boong lalawigan . Sa kategorya ang Camarines Sur ay Alert Level 2 pa rin. May mga bayang mataas ang vaccination rate at mababa ang COVID-19 cases na sila ngayong nasa Alert Level 1.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

VC SANTIAGO

Ang tinig Dr. Lulu Ramos- Santiago ng DOH Bicol sa linggohang ulat.