70% sa Muslim Community sa Camarines Sur at Naga City bakunado na VS COVID-19

NAGA CITY – Umabot na sa 70% ng populasyon ng Muslim community sa Camarines Sur at Naga City ang fully vaccinated na laban sa Corona Virus Disease kabilang na ang mga bata na handa na rin sa mangyayaring face-to-face classes ngayong Agosto.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Mike Mustapha,  chairman ng Muslim Community Affairs Office ng lungsod at ng lalawigan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Batay sa kanyang pahayag, wala na silang pangamba dahil bakunado na ang kanilang komunidad mula sa mga bata at mga matatanda.

Ang wala lang bakuna ay iyong mga may sakit, dahil sa abiso na rin ng doktor ng mga ito, sabi ni Mustapha.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Magkagayunman, patuloy siyang nakikibalita sa kalagayan ng mga ito lalo na iyong mga nakatira sa iba’t -ibang bayan ng lalawigan tulad sa Pasacao, Sipocot,s Calabanga,  sa may bahagi ng Partido at Rinconada area.