Aktibidad ng MDRMMO sa bayan ng Daet, Camarines Norte para sa buwan ng hulyo isinapubliko

CAMARINES NORTE- Isinapubliko ng MDRRMO sa bayan ng Daet, Camarines Norte ang kanilang mga aktibidad para sa paparating na buwan ng Hulyo. Kung saan ngayong linggo ay isasagawa ang preperasyon para sa paparating na mga aktibidad. Ayun sa panayam ng Brigada News FM Daet kay MDRRM Officer Santiago Mella Jr. noong June 26, 2023 tuwing sasapit ang buwan ng Hulyo ay naghahanda umano sila sa tinatawag na “National Disaster Resiliency Month” na kung saan isa itong obserbasyon upang makapaghanda ang mga responders sa mga darating na natural disasters at hazards.

Ang MDRMMO rin ay mag rerequest sa mga eskwelehan ng mga proyekto o thesis na “early warning system device” na gawa mula sa mga Senior High School upang magamit at maipakita ang innovation ng mga kabataan sa larangan ng teknolohiya at kahandaan sa tuwing darating ang mga sakuna. Gaganapin ito sa Hulyo 4, 2023. Magkakaroon rin ng proposal ang MDRMMO sa Sangguniang Bayan ukol sa “Super Batang Kalasag” na ito ay maging institutionalized. Ito ay pag-uusapan sa Hulyo 19, 2023 kasama ang DepEd, Bureau of Fire Protection, at iba pang mga agencies. Sa darating na Hulyo 17-21, 2023 ay may gaganaping training para sa mga nurse’s ng RHU 1-RHU 3 at mga community health emergency management teams sa bayan ng Daet.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City
Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kasabay rin ng nasabing mga araw ay magkakaroon rin ng training ang mga personnel on water searching and rescue gamit ang mga scuba diving gear, dahil ayun rin kay MDRMM Officer Santiago Mella Jr., meron silang mga equipments ngunit ang mga responders ay hindi masyadong alam kung paano ito gamitin.

Sa darating Hulyo ay puno ng mga aktibidad ang MDRRMO-Daet upang matugunan, makapaghanda at makapagbigay ng mga kaalaman sa mga magpapartipasyon sa mga aktibidad at para makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga mamamayan ng Daet.