LEGAZPI CITY – Kumpiyansa ang isang mambabatas sa Bicol Region na mas mapapaunlad ang produksyon sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng geo mapping sa mga agricultural lands.
Ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, ito ay upang madaling matukoy kung ano ang nararapat na itanim sa lupain.
Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas umano ng mga magsasaka ang kanilang ani sa oras na matapos ang geo mapping.
Hinimok naman ni Co ang iba’t ibang ahensya na i-consolidate ang kanilang mga datos at mapa upang mapadali ang pag-resolba sa isyu ng titulo sa mga lupang sakahan.
Dagdag pa ng mambabatas, susuportahan niya ang mga inisyatibo sa paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng geo mapping upang makapaglatag ng data-driven policy ang pamahalaan, lalo na pagdating sa pagpapalakas ng food production ng bansa.