Agri convergence, pinangunahan ng liderato ng Kamara sa Quezon Province

Muling siniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa mga magsasaka na bubuhayin at palalakasin ng panukalang amiyenda sa Rice Tariffication Law ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Pinangunahan ni Romualdez ang agriculture convergence sa Tiaong, Quezon kung saan inilunsad ang Farmers Assistance for Recovery and Modernization o FARM at payout ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged and Displaced Workers o TUPAD.

Halos apat na libong magsasaka ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng TUPAD.

Read More:  2 minors among fatalities in Toboso encounter

Bukod dito, namahagi sina Romualdez at House Deputy Speaker Jayjay Suarez ng mga makinarya para sa pagsasaka sa mga kwalipikadong benepisiyaryo sa lalawigan.

Ginawa aniya ang TUPAD distribution bilang pagkilala sa kahalagahan ng agriculture sector lalo na sa kanilang pagsisikap na may maihaing pagkain sa hapag ang maraming Pilipino.

Binigyang-diin din ng Speaker na marami pang ahensya ang katuwang ng Kamara sa pagpapalago sa industriya tulad ng National Food Authority o NFA na kanilang tinutulungan sa pamamagitan ng RTL amendments upang muling makapagbenta ng bigas direkta sa mamamayan.

Read More:  Court of appeals orders freeze on Romualdez assets – Ombudsman

Marami pa umanong tulong na ihahatid ang gobyerno na pangangasiwaan ng Department of Agriculture, National Irrigation Administration at Department of Public Works and Highways upang mabigyan ng sapat na patubig ang pananim ng mga magsasaka.

Inihalimbawa ni Romualdez ang pagpapasinaya sa sistema ng patubig sa Isabela na dinaluhan nila ni Pangulong Bongbong Marcos kung saan gumagamit ng solar power.