Tatlo ang naitalang nasawi ng Police Regional Office 4-A a kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong #AghonPH sa probinsiya ng Quezon.
Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office sa PRO 4-A, kasama sa mga nasawi ang:
Isang lalaking nadaganan ng bumagsak na puno ng acacia habang natutulog sa Brgy. Sampaga, San Antonio, Quezon.
Isang lalaking sanggol na natagpuan sa katubigan ng Sitio Resettlement, Brgy Ilayang Polo, Pagbilao, Quezon.
At isang lalaking nadaganan naman ng bumagsak na buli tree sa tiyan habang natutulog sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.
Batay sa ulat ng PRO 4-A, nangyari ang lahat ng insidente kahapon ng umaga.
Samantala, mayroon na ring pito ang naitalang sugatan sa Bicol Region.
Sa kabuoan – pumalo na sa 19,373 ang mga indibidwal ang apektado ng Bagyong #AghonPH.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, katumbas ito ng 8,465 families mula sa CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 o Bicol Region at Region 8 o Eastern Visayas.
Pinakamarami sa naapektuhan ay mula sa Bicol region sa 10,349 indibiduals; MIMAROPA sa 5, 970; Region 8 sa 2,026; at 1,028 individuals sa Calabarzon.
Samantala, 2,162 na mga indibidwal ang nananatili ngayon sa 81 evacuation centers.
Labintatlong lugar din ang binaha mula sa MIMAROPA at Region 8.
22 kabahayan ang naiulat na nasira kung saan 18 ang partially damage habang 4 ang totally damage.
Umabot na sa halos 2 milyon ang naipamahaging tulong ng pamahalaan sa mga apektadong indibidwal.
#