Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ‘misquoted’ lamang si chief-of-staff Gen. Romeo Brawner Jr. nang sabihin nitong mayroon umanong planong pabagsakin si Pangulong Bongbong Marcos.

Una na kasing sinabi ni Brawner na mayroon umanong grupo ng mga retired military personnel ang nagbabalak ng isang destabilization plot laban sa administrasyon.
Sa bagong statement ng AFP, nilinaw nilang na-‘misquote’ lamang ang AFP chief sa kaniyang talumpati sa mga tropa sa Change of Command Ceremony sa Western Mindanao Command.
Sa huli, sinabi ng AFP na patuloy pa rin ang pagpapa-alala ni Brawner sa lahat ng kanilang mga personnel na manatiling loyal sa kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang mga Pilipino at ang Estado.
Sa hiwalay naman na pahayag, sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar na ‘na-settle’ na ang isyu.
Sinabi rin ni National Security Adviser Eduardo Año na hindi totoo ang destabilization plot at posibleng na-misinterpert lang si Brawner ng media.