AFP nanindigang namatay sa engkwentro ang NPA leader na si Ka ‘Oris’

Mariing pinasinungalingan ng Armed Forces of the Philippines, 4th Infantry Division ang pahayag ng Communist Party of the Philippines na napatay sa ambush at hindi sa engkwentro ang NPA leader na si Jorge Madlos aylas Ka Oris.

Ayon kay AFP 4th ID Commander Major Gen. Romeo Brawner lihitimong engkwentro ang nangyari sa Bukidnon noong Sabado na nagresulta sa pagkamatay ni Madlos kasama ang isa pang rebelde.

Read More:  NBI summons Dubai-based vlogger over alleged fake claims on Marcos’ health

Buwelta pa ni Brawner sa CPP, hindi katulad ng mga NPA, mariing iginagalang at patuloy na tumatalima ang AFP sa International Human Rights Law.

Read More:  Supreme Court asks Sotto to explain remarks on VP Sara impeachment ruling

Hindi umano trabaho ng mga sundalo ang mang-ambush ng mga sibilyan bagkus ito ay gawain ng teroristang grupo katulad ng CPP-NPA.

Inihayag naman ng heneral na inaasahan na nilang susubukan ng mga komunista na baliktarin ang istorya subalit sa ngayon wala na silang balak na ito ay patulan.