AFP – mayroon nang mga plano sa oras na mang-aresto ang China ng mga mangingisdang Pilipino sa WPS

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na may mga nakalatag silang plano sakaling tuluyang ipatupad ng China ang bantang mang-aresto ng mga trespassers na papasok sa kanilang boarders sa South China Sea.

Nakatakdang maging epektibo ang bagong regulasyon sa susunod na buwan, o sa June 15.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Navy spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, may nakahanda silang contingency plans upang matiyak na napoprotektahan ang mga Pilipino doon sa pamamagitan ng whole of government at whole of nation approach.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Muli rin inulit ni Trinidad ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ‘unacceptable’ ang polisiyang ito ng China.

Wala raw kasing legal instrument ang China na i-justify ang ipinipilit nilang 9-dash line claim sa WPS.