AFP Joint Exercises DAGIT-PA, pormal nang binuksan ngayong araw

Pormal nang binuksan ngayong araw ang Joint Excercise ng Armed Froces of the Philippines – Dagat, Langit at Lupa o mas kilala sa tawag na “DAGIT-PA”

Layon nitong palakasin pa ang kakayahan at kasanayan ng major service units ng AFP partikular na ang Army, Navy, Marines at Air Force maging ng kanilang Special Operation Forces

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Tinatayang aabot sa 3 libong aktibo at reserved forces mula sa Army, Air Force, Navy at Marines ang lalahok sa ekslusibong pagsasanay maging ang buhat sa AFP Cyber Command.

Samantala, sinabi mni AJEX DAGITPA Spokesperson Colonel Mike Logico, na inaasahan na nilang manunuod ang China sa mga aktibidad na gagawin ng AFP pero hindi naman sila nababahala.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Naniniwala kasi silang walang magiging “agresssion” na gagawin ang China sa kagsagan ng DAGITPA.

Kasunod nito, nilinaw ni Logico na hindi nakatuon ang DAGITPA sa China o kanino mang bansa.