AFP Chief of Staff Gen. Brawner, bumisita sa WESCOM ngayong araw

Bumisita sa Western Command (WESCOM) ngayong araw si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Ito’y matapos ang agresibong aksyon ng China habang nasa rotation at resupply mission ang mga sundalo sa Ayungin Shoal.

Read More:  Palace defends Marcos’ bucket advice for El Niño preparation

Sa kanyang pagbisita sa Palawan, aalamin ni Brawner ang kalagayan ng mga sundalong nasugatan sa resupply mission.

Nauna nang napaulat na hindi bababa sa walong miyembro ng naval special operations group ang nasugatan matapos dangerous manuevers ng China Coast Guard upang pigilan ang misyon ng bansa sa paghahatid ng mga supplies sa mga tropa na nakatalaga sa BRP Sierra Madre.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Nauna nang kinumpirma ng AFP na nagtamo ng “severe injury” ang isang tauhan ng Navy dahil sa agresibong aksyon ng China.