2nd iteration ng COPE thunder exercise sa pagitan ng PH at Amerika, umarangkada na

Umarangkada na ang 2nd iteration ng COPE thunder exercise sa pagitan ng Philippine Air Force at US Pacific Air Force sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay PAF Spokespercon Col. Ma. Consuelo Castillo, tinatayang 1000 mga tauhan mula sa iba’t-ibang units ng PAF ang makikibahagi sa subject matter expert exchanges ukol sa pagpaplano at pagsasagawa ng iba’t-ibang military missions katuwang ang US PACAF.

Layon ng Cope Thunder na itaguyod ang interoperability sa dalawang hukbo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng field exercises air at ground operations.

Tatagal ang pagsasanay hanggang sa June 28.

Nauna nang isinagawa ang Cope Thunder 2024-1 noong buwan ng Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *