ACT Sorsogon City Chapter, nanindigan na hindi pa rin nasosolusyunan ang kanilang apela na magpatupad ng blended learning

Sa kabila ng pahayag ng Department of Education na nasa diskresyon na ng mga school principal kung magpapatupad ng blended learning, nanindigan ang Alliance of Concerned Teacher Sorsogon City Chapter na hindi pa rin natutugunan ang problema tungkol dito.

Ayon kay Narlyn Chavez ng ACT Sorsogon City Chapter, hanggang sa kasalukuyan ay kanila pang hinihintay ang desisyon kaugnay ng kanilang apela na magpatupad ng blended learning ang mga paraalan sa lungsod ng Sorsogon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, bagama’t ang nasabing plano ay kanila nang na-ilobby sa pamunuan ng DepEd Sorsogon City, hiling nila na ito’y maisaprayoridad lalo pa at talagang mayroong pangangailangan para sa agarang implementasyon nito.

Binigyang diin nito, nahihirapan na ang karamihan sa mga mag-aaral lalo na ngayong panahon ng tag-init kung saan hindi umano conducive ang mga silid aralan dahil sa kakulangan ng mga kagamitan, upuan at iba pa upang maging maginhawa at kaaya-aya ang pag-aaral ng mga estudyante.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Mababatid na dahil sa init ng panahon may ilang mga mag-aaral na ang hinihimatay habang nasa kanilang mga silid aralan, nakakaranas ng nose bleeding bukod pa sa mga nagkukundukta ng klase sa ilalim ng punong kahoy at malililim na lugar para lamang makaiwas sa sobrang init.