‘Accordion approach’, ipatutupad sa mga ospital re: Surge sa Delta variant cases

Magpapatupad na ang pamahalaan ng tinatawag na “accordion approach” sa mga ospital sa bansa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Delta variant ng Covid-19.

Ang ‘accordion approach’ ay ang paggamit sa mga ordinaryong kama sa mga ospital para gawing ICU beds.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na ang kailangan lamang gawin ay kakabitan ang mga naturang kama ng akmang equipment o makina na karaniwang ginagamit sa mga ICU.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Layunin aniya nito na maparami pa ang ICU beds sa harap ng panibagong surge ng covid-19 sa bansa.

Binigyang diin ng kalihim na hindi dapat isantabi ang pangangailangang maihanda ang mga ospital para inaasahang pagdagsa ng mga kritikal o malalang kondisyon ng mga pasyenteng may covid-19. // MHEL PACIA-TRINIDAD