Abuan River pansamantalang sarado sa publiko

Epektibo kahapon, January 9, 2024 ay pansamantalang hindi muna papayagan ang picnic at iba pang recreational activities sa Abuan River sa Cabisera 10, City of Ilagan, Isabela.

Ito ay upang bigyang daan ang isasagawang rehabilitasyon sa lugar partikular ang paglilinis at paglalagay ng mga karagdagang amenities.

Read More:  Banakon bite kills 17-year-old student inside store in Davao Oriental

Kabilang sa mga isasagawang rehabilitasyon ay ang dredging, riprapping sa tabing-ilog upang mas lalo pa itong mapaganda.

Bukod dito, magkakaroon na rin ng maayos na palikuran, basurahan at karagdagang cottages na mas matibay habang madadagdagan naman ang pagkakaroon ng life-guard at magbabantay sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga bibisita.

Read More:  CPSU’s green agenda grows through community partnerships

Sa ngayon, ang mamamahala na sa Abuan River ay ang City Tourism Office ng Local Government Unit ng City of Ilagan.