Abra niyanig ng magnitude na 6.4 na lindol

Niyanig ng malakas na magnitude 6.4 na lindol ang ilang bahagi ng Northern Luzon kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang lindol 10:59 kagabi at sumentro 9 kilometro kanluran ng Lagayan, Abra.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 11 kilometers.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Unang iniulat sa automatic earthquake information na magnitude 6.7 ang lakas ng lindol, ngunit di-nowngrade sa magnitude 6.4.

Intensity VI ang naramdaman sa La Paz, Abra; habang Intensity V naman ang naramdaman sa ilang mga bayan at munisipalidad mula sa Abra; Benguet; Kalinga; Ilocos Sur; La Union; at Cagayan.

Samantala, nilinaw naman ng PHIVOLCS na walang banta ng tsunami matapos ang naturang pagyanig.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Ngayong araw, sinuspinde na ng Pamahalaaang Panlalawigan ng Ilocos Norte ang lahat ng klase at pasok sa buong probinsiya.

Ito ay para magbigay daan sa inspeksyon sa mga posibleng pinsala na naidulot ng lindol.