Umabot na sa apat ang bilang ng mga nasasawi matapos yanigin ng magnitude 7 na lindol ang Abra kaninang umaga.
Sa pulong balitaan, iniulat ni Interior Secretary Benhur Abalos na dalawa sa mga fatalities ay nagmula sa Benguet, isa sa Abra, at isa rin sa Mountain Province.
60 naman ang kabuoang bilang ng mga nasugatan.
Bago ito, una nang sinabi sa panayam ng Brigada NewsFM ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na kinukumpirma pa nila ang ulat ng isang fatalitiy sa Benguet.
Sa inisyal na impormasyon, ang 25-anyos na biktima ay isa umanong construction worker at nabagsakan ng bato habang nagta-trabaho.
#